LONDON (AP) — Tinanghal si Serena Williams na kauna-unahang babae sa kanyang henerasyon na nakapagtala ng 300 panalo sa Grand Slam tournament.
Nakubra ng American tennis star ang karangalan nang gapiin si Annika Beck, 6-3, 6-0, sa loob lamang ng 51 minuto nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makausad sa fourth round ng Wimbledon Tennis Championship sa All-England Club.
“Every time I step out on the court, if I don’t win, it’s major national news,” sambit ni Williams. “But if I do win, it’s just like a small tag in the corner.”
Dominante ang laro ng world No.1 na umiskor ng kabuuang 25 winner laban sa 43rd rank na karibal mula sa Germany.
Nalagpasan ng six-time Wimbledon champion sa ikalawang puwesto si Christ Evert at lumapit sa record na 306 panalo ni Martina Navratilova.
“No. Was it? Cool. Oh, nice,” sambit ng 34-anyos na si Williams. “I had no idea. That’s awesome, right? That’s good, right?”
Target niya ang 301 panalo sa pakikipagharap kay two-time major champion Svetlana Kuznetsova sa Lunes (Martes sa Manila).
Naisalba ng 13th-seeded na si Kuznetsova ang kampanya nang magwagi kay No. 18 Sloane Stephens, 6-7 (1), 6-2, 8-6.
Nagwagi rin si No. 21 Anastasia Pavlyuchenkova, Elena Vesnina, Ekaterina Makarova at Coco Vandeweghe, namayani kontra Roberta Vinci ng Italy, 6-3-6-4. Si Vinci ang sumilat kay Williams sa US Open.