CONCEPCION, Tarlac - Apat na katao ang iniulat na naospital makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Concepcion- La Paz Road sa Barangay Sto. Rosario, Concepcion, Tarlac.

Isinugod sa Concepcion District Hospital at Doctor Eutiquio Atanacio Memorial Hospital sina Francis Castillo, 29, driver ng Honda Wave motorized tricycle (RG-4294); asawang si Wilma Castillo, 32, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, Capas; Bernardo Policarpio, 44, driver ng Lucky Star motorcycle; at anak niyang si John Kenneth Policarpio, 5, ng Bgy. Sta. Cruz, Concepcion, Tarlac.

Dakong 7:10 ng gabi nitong Sabado at binabagtas ng tricycle ang La Paz Road nang aksidenteng makabanggaan ang motorsiklo ni Policarpio. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog