Ni ADOR SALUTA

Boy AbundaNITONG nakaraang Sabado grumadweyt si Boy Abunda sa kanyang PhD studies sa Philippine  Women’s University.

Bago pa man tinanggap ang kanyang doctor of philosophy degree, nabanggit na ng King of Talk noong Friday, July 1 sa Tonight With Boy Abunda na magtatapos na siya sa kanyang graduate studies.

Masayang sabi ni Kuya Boy, “Bukas po I’m graduating Doctor of Philosophy in Social Development, the PhD in Social Development. Nais ko lang pong magpasalamat sa lahat ng tao who made this possible. Sa lahat ng mga estudyante, sa lahat ng mga guro na aking nakasalubong dito sa aking academic journey, maraming maraming salamat po.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasabay ng kanyang pag-akyat sa stage para tanggapin ang kanyang diploma, siya rin ang  nagbigay ng  words of inspiration bilang commencement speaker of his graduating class.