1E7F99C9

BABALIK na sa paaralan ang aktor na si Matthew McConaughey, ngunit sa pagkakataong ito ay bilang guro na.

Noong nakaraang Huwebes, nag-post ng isang video ang University of Texas Austin sa kanilang Facebook page bilang pagpapahayag sa pagbabalik ng aktor sa kanyang alma mater ngayong darating na pasukan bilang Film professor.

Si McConaughey, na nagtapos sa UTA noong 1993, ay nakikipagtulungan sa Free State of Jones director na si Gary Ross para sa 30 estudyante na bibigyan ng pagkakataon na masaksihan ang behind-the scenes ng isang drama tungkol sa civil war. Si McConaughey ay gumanap bilang Newt Knight, isang rebeldeng magsasaka sa Mississippi, sa pelikulang ipapalabas sa mga sinehan sa Hulyo 1.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Hindi ito ang unang pagbabahagi ni McConaughey ng kanyang kaalaman sa pelikula sa mag-aaral sa UT, nagturo rin siya ng parehong kurso na tungkol naman sa paggawa ng kanyang film na Surfer Dude noong 2008.

At punumpuno siya ng Longhorn (tawag sa mga atleta ng nasabing unibersidad) spirit! Ang aktor na gumanap sa Interstellar ay palaging bumabalik sa kanilang campus para manood ng football games. (Yahoo News/Celebrity)