Ina Feleo 4 copy

THERE’S always a room for firsts. Nang tanggapin niya ang role bilang Odessa sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli, inamin ni Ina Feleo na maraming firsts ang na-experience niya.

Pagkagaling sa kanyang previous roles, nakilala si Ina bilang passionate actress. Kaya hindi siya makapaniwala na kinaya niya na gampanan ang pagiging psychologically challenged na gumagawa ng pinakamasasamang bagay.

“In the past, my focus has always been just to be honest and truthful in my scenes. But with a character like Odessa’s, na malayo talaga kung sino ako, I was forced to explore and step out of my comfort zone. ‘Yung mga bagay na ‘di ko talaga magagawa sa totoong buhay, nagawa ko dito sa show na ‘to. Manampal ng matanda, manakit ng bata, pumatay, at marami pang iba. At nu’ng pinapanood ko ‘yung mga eksena, parang hindi ko na nakilala ang sarili ko,” kuwento ng aktres.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video