Nagkaroon ba talaga ng pagpupulong?

Sinabi ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo na walang nangyaring konsultasyon sa sinasabing pakikipagpulong ng Bise Presidente kay Pangulong Rodrigo Duterte, na isa na namang indikasyon na ang dalawang pinakamatataas na opisyal ng bansa ay hindi pa rin nagkakasundo sa ilang usapin.

“Hindi ho kami nakonsulta sa schedule noong meeting,” pahayag ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo.

Ipinaliwanag ni Robredo na naimbitahan siya sa National Day Celebration para sa Pinoy community sa Japan, kamakailan.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ang imbitasyon ay mula kay Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez.

“Matagal nang naimbitahan si VP Leni na dumalo sa National Day Celebration for the Filipino Community na pinangunahan ng Philippine Embassy at Filipino community sa Japan,” ayon kay Hernandez.

Inilabas ng Office of the Vice President ang statement sa media matapos maiulat na magpupulong sina Duterte at Robredo sa Davao City bago ang inagurasyon ng dalawang opisyal kahapon.

Nakasaad din sa mga news report na sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na dapat magpupulong ang dalawang subalit bago ito mangyari, aniya, ay umatras si Robredo.

“So, hindi hard to get. Pumayag e,” ayon kay Go, tungkol sa unang patutsada ni Robredo na “nagpapakipot” si Duterte na itinanggi naman ng bise presidente.

“Muli, hindi iyan sinabi ni VP Leni,” ayon kay Hernandez, kasabay ng pagtiyak na suportado ni Robredo ang administrasyon ni Duterte. (Raymund F. Antonio)