Sa unang araw ng pag-upo ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief Supt. Ronald Dela Rosa, magkakaroon ng command conference sa Camp Crame na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes.

Dito, ilulunsad ng bagong police chief ang “Oplan Double Barrel” na nakasentro sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa illegal drugs.

Ayon kay Dela Rosa, ang konseptong ito ay nakabatay sa isang double barrel gun: dalawang putok sa isang pagpitik ng lamang gatilyo at ang interesanteng parte nito, na naglalarawan din sa operasyon laban sa illegal drugs, ay ang unang barrel ay nakadirekta sa ibabaw habang ang ikalawang barrel ay nakatutok sa ibaba.

Target ng Oplan Double Barrel, hindi lamang ang high value targets, kundi maging ang maliliit na drug pusher o street level personalities, mga lokal na opisyal na kasabwat sa operasyon ng ilegal na droga at mga barangay na talamak ang mga pusher at user.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

“I am giving 100 percent of myself. What I can offer to the public is a clean heart and a clean conscience that I am not connected with any syndicate with vested interest,” sabi ni Dela Rosa.

Ngayong araw din ang simula ng malawakang balasahan sa PNP.

Ayon kay Dela Rosa, 100 porsiyento ng buong puwersa ng PNP ang maaapektuhan ng balasahan na gagawin mula sa Camp Crame hanggang sa lahat ng probinsiya at siyudad sa buong bansa.

Tumanggi muna si Dela Rosa na tukuyin kung sinu-sino ang mga itatalaga niya sa mga posisyon dahil baka magreklamo raw agad ang mga lokal na pulitiko at mag-umpisang tumawag sa kanya. (FER TABOY)