LUCENA CITY, Quezon – Umaabot sa P1.1 milyon ang halaga ng shabu na nakumpiska mula sa dalawang kilabot na drug pusher sa Barangay Domoit sa siyudad na ito noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Quezon Police Provincial Office (PPO) Director, Senior Supt. Eugenio Paguirigan na nagsagawa ng buy-bust operation ang Quezon PPO at Lucena City Police at nasamsam ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu mula kina Paulo Bungaros Macadator, may asawa, ng Bel-Air Subdivision, Bgy. 10; at Zhamaikoe Te Batua, 26, may asawa, negosyante, ng Purok Jasmine, Bgy. Domoit.

Sa kabuuan, nakuhanan ang mga suspek ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,180,000. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog