CAPAS, Tarlac – Isang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang patay sa Sitio Makabang Bundok sa Barangay Lawy, Capas, Tarlac.

Ang natagpuang bangkay, ayon kay PO3 Aladin Ao-as, ay may mga tama ng bala sa dibdib at mukha, at ang mga kamay at paa ay nakagapos ng packaging tape.

Sinabi ni Antonio Dantes, 48, tanod ng Bgy. Cristo Rey, Capas, na abala siya sa vulcanizing shop nang isang concerned citizen ang nag-report na may nakita itong bangkay ng lalaki sa Sitio Makabang Bundok.

Nakarekober ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng limang basyo ng bala mula sa .40 caliber at .45 caliber at sinusuri ngayon sa Tarlac Provincial Crime Laboratory Office.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang bangkay ng lalaki ay nakalagak ngayon sa Ilagan Funeral Parlor sa F. Tanedo Street sa Tarlac City. (Leandro Alborote)