Gaya ng isang regular na manggagawa, tatanggap na ngayon ang mga trabahador sa mga commercial fishing vessel ng minimum na suweldo at iba pang mga benepisyo, matapos magpalabas ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng isang bagong Department Order.
Inihayag ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz na ipatutupad na simula ngayong buwan ang D.O. No. 156-16 Series of 2016 na nagsasaad na ang lahat ng nagtatrabaho sa komersiyal na pangisdaan ay karapat-dapat na tumanggap ng mga benepisyong gaya ng sa mga regular na manggagawa.
“This is a boon to our fishers in the commercial fishing industry since the order sets employment standards, such a minimum wage, holiday and premium pay, overtime pay, night shift differential pay, paid service incentive leave, and 13th month pay,” saad sa pahayag ni Baldoz.
Bukod sa mga benepisyo, dapat na tiyakin din ng mga commercial fishing firm na ang kanilang mga mangingisda ay edad 18 pataas at nakapasa sa kinakailangang medical screening. (Samuel P. Medenilla)