Glaiza De Castro
Glaiza De Castro
‘KATUWA ang kuwento ni Glaiza de Castro nang minsan siyang bumili ng honey sa isang organic store. Nagtanong siya kung ano ang mas maganda, raw o wild honey? Sagot ng sales clerk, mas maganda ang raw honey dahil iyon ang binili ni Angeline Quinto nang mamili ang Kapamilya star sa nasabing store.

Natawa na lang si Glaiza na si Angeline ang basehan ng sales clerk kung alin sa tinda nilang honey ang mas healthful.

Anyway, naghahanda na si Glaiza at ang ibang cast ng Encantadia dahil sa July na ang premiere ng requel ng fantaserye. Ipinakita na ang eleganteng warrior costumes nila at handa na silang lumaban. Si Glaiza ay gaganap bilang si Pirena, ang diwata ng apoy at may hawak ng brilyante ng apoy sa kanyang hot and fierce costume at ang kambal sandata niyang siklab at baga.

Dream come true kay Glaiza ang mapabilang sa cast ng requel ng Encantadia kaya laking tuwa nang makapasa sa audition at ibigay sa kanya ang karakter ni Pirena. --Nitz Miralles

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas