Hunyo 26, 1974 nang gamitin sa unang pagkakataon ang Universal Product Code (UPC), nang bilhin ang isang pakete ng chewing gum sa isang pamilihan sa Troy, Ohio. Awtomatikong natukoy ng electronic scanner ang presyo ng produkto.

Ngunit noong una, nag-aatubili ang mga manufacturer na gamitin ang UPC sa kanilang mga produkto.

Si Norman Joseph Woodland, isa sa mga investor ng UPC, ang nakaisip ng mekanismo habang nasa tabing-dagat. Tinalakay din niya kung paano makapagpapadala ng datos ang Morse Code eletronically. Matapos noon, gumuhit siya ng maninipis at makakapal na linya sa buhangin, at ibinahagi ang konsepto sa mga kanyang graduate study peer sa Bernard Silver.

Taong 1969 nang binigyang-pansin ng National Association of Food Chains ang panukala para sa isang industry-wide barcode setup. Tumulong ang IBM sa pag-develop sa UPC noong 1971.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?