SUAL, Pangasinan – Isang binata ang binawain ng buhay habang tatlo pa niyang kaanak ang nakaligtas sa kidlat sa Barangay Camagsingalan sa bayang ito.

Sa naantalang report, dakong 3:30 ng hapon nitong Hunyo 20 nang bumuhos ang malakas na ulan na sinundan ng matatalim na kidlat.

Sumilong ang mag-aama sa kubo subalit tinamaan ito ng kidlat at nasunog at namatay si Kenneth Edrosolan, habang isinugod sa ospital at nasa ligtas nang kalagayan si Renato Edrosolan, 48, kagawad ng Bgy. Camagsingalan; anak niyang si John Kennedy Edrosolan, 21; at kamag anak na si Michael Edrosolan, 35 anyos. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol