NOONG panahon ng Civil War sa America, naabutang natutulog ang isang guwardiya sa oras ng trabaho. Ang parusa noong panahong iyon ay death penalty.

Nang makarating kay President Abraham Lincoln ang tungkol dito, siya mismo ang kumausap sa guwardiya at ipinag-utos na palitan ang parusa.

Sa kabila ng mga pagkakamali ng kanyang mga tauhan, pinanghawakan ng president ang kanyang desisyon. Ginawa ng guwardiya ang kanyang makakaya, at pinatunayang siya ay masunurin at maaasahan.

Sa kuwentong ito ipinapakita ang pagiging mahabagin ni President Lincoln na naging dahilan upang magbago ang guwardiya. Binigyan ng pagkakataong mabuhay, ginawa niya ang makakaya upang magbago.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Marami ang nananabik na malapit nang maupo bilang pangulo ng bansa si Mayor Duterte sa Hunyo 30. Sa ilalim ng slogan ng “Pagbabago,” nangako si Pangulong Duterte na pupuksain ang mga problema ng bansa kagaya ng kriminalidad, droga, kurapsiyon, traffic, at mga bagay na hindi naresolba ng papatapos na administrasyon.

Ang nakaambang pangulo, gayunman, ay kinakailangang pag-isipang mabuti bago ipatupad ang kanyang naiisip na mga paraan upang matuldukan ang kriminalidad at droga.

Iba’t ibang organisasyon gaya ng Human Rights Commission (local at international), ang Simbahan, Pro-Life organizations, at law-abiding citizens ay hindi kataka-taka kung bakit sila tumututol sa paraan ng bagong Pangulo.

Matatandaang inalis ang parusang kamatayan sa Pilipinas at ang shoot-to-kill orders, summary executions at ang paggagantimpala sa mga police officer na “pumatay” sa mga kriminal.

Ipagdasal natin si Pangulong Duterte at ang lahat ng political leaders. (Fr. Bel San Luis, SVD)