BATANGAS CITY - Dead on arrival sa Batangas Medical Center ang isang lalaking kabilang sa drug watch list makaraan umanong manlaban sa mga pulis sa Batangas City.

Kinilala ang napatay na si Donald Medina, 36, taga-Barangay San Jose Sico sa lungsod na ito.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:00 ng umaga nitong Biyernes nang magsagawa ng drug raid ang grupo ni Chief Insp. Jose Naparato Jr., at nagpaputok umano sa kanila si Medina na ginantihan naman ng mga pulis.

Ang drug raid ay batay sa search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga, Executive Judge ng Fourth Judicial Region, Branch 29-32 sa San Pablo City, Laguna.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Narekober ng mga pulis mula sa lugar ang isang .38 caliber na baril na walang serial number at walong sachet ng hinihinalang shabu. (Lyka Manalo)