Vilma copy

KINUMPIRMA ni Lipa City Cong. Vilma Santos na may offer sa kanya ang produksiyon ni Direk Quark Henares pero wala pa siyang naibibigay na assurance hinggil sa nasabing proyekto.

“May offer si Direk Quark but no commitment yet because of my new work as congresswoman. Pero alam ko it’s not for theater. IFLIX ‘yun daw! No commitment yet. But I’m thankful sa offer!!!” mensahe ni Ate Vi nang kontakin namin tungkol sa naglabasang write ups.

Wala pang idea si Ate Vi na si Jasmine Curtis Smith ang makakasama niya sa nasabing proyekto.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“No idea, Jimi. My thanks to Jasmine for the kind words... my love to mommy niya,” sey pa ni Gov./Cong. Vi. 

Tiniyak naman sa amin ng kauna-unahang congresswoman ng 6th District ng Batanggas na dadalo siya sa opening ng Congress. 

“Yes, andu’n ako sa July 25. Pero magsi-seminar muna ako sa Congress as a neophyte,” lahad pa rin ng one and only Star for All Seasons. (Jimi Escala)