John Lloyd copy

BIG night para kina John Lloyd Cruz, LJ Reyes at Romy Vitug ang 39th Gawad Urian na ginanap sa Kia Theater sa Araneta Center nitong nakaraang Miyerkules. 

Si John Lloyd ang nanalo bilang Pinakamahusay na Aktor para sa pelikulang Honor Thy Father, si LJ ang tinanghal na Pinakamahusay na Aktres para sa Anino Sa Likod ng Buwan at ang legendary cinematographer na si Romy Vitug naman ang pinagkalooban ng Natatangawing Gawan Urian o Lifetime Achievement Award.

Muling namayani sa Gawad Urian ang indie films tulad ng awarding rites nila nitong nakaraaang ilang taon na.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Magkaiba ang nanalong best picture at best director, ang Taklub ni Brillante Mendoza sa una at si Direk Jerrold Tarog naman sa huli para sa sorpresang box-office monster hit na Heneral Luna.

Naririto ang buong listahan ng mga nanalo sa 39th Gawad Urian.

Best Picture: Taklub

Best Director: Jerrold Tarog (Heneral Luna)

Best Actress: LJ Reyes (Anino sa Likod ng Buwan)

Best Actor: John Lloyd Cruz (Honor Thy Father)

Best Supporting Actor: Bernardo Bernardo (Imbisibol)

Best Supporting Actress: Ana Abad Santos (Apocalypse Child)

Best Editing: Jerrold Tarog (Heneral Luna)

Best Music: Jake Abella (Ari: My Life with a King)

Best Sound: Mikko Quizon (Heneral Luna)

Best Production Design: Ben Payumo (Water Lemon)

Best Screenplay: Robby Tantingco (Ari: My Life with a King)

Best Cinematography: Pong Ignacio (Heneral Luna)

Best Short Film: Wawa 

Best Documentary Film: The Crescent Rising

Natatanging Gawad Urian award: Romy Vitug (DINDO M. BALARES)