Night time connection
Night time connection

PARA sa dalawang babaeng taga-United Kingdom, ang misteryosong problema nila sa paningin na nangyayari lang tuwing gabi at madaling-araw ay may dahilan: ang paggamit nila ng smartphone sa dilim.

Ang ganitong kaso, na idinetalye sa isang bagong report, ay kinakitaan ng short-term vision problems na nangyayari kapag tumitingin sa maliwanag na screen ng cellphone habang nasa madilim na lugar.

Sa unang kaso, kinonsulta ng 22-anyos na babae ang kanyang ophthalmologist dahil nahihirapang makakita ang kanan niyang mata tuwing gabi kapag siya ay matutulog na. Paulit-ulit itong nangyayari kada linggo sa loob ng isang taon.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Tuwing nangyayari ito, nakikita niya lamang ang hugis ng mga bagay sa kanyang kanang mata, habang ang malinaw naman ang paningin ng kaliwa niyang mata. Lumabas sa resulta ng pagsusuri na normal naman ang kanyang paningin, hindi nakitaan ng blood clot o iba pang problema na magiging sanhi ng pagkabulag, ayon sa doktor.

Sa ikalawang kaso, dumaing naman ang isang 40 taong gulang na pasyente sa kanyang doktor dahil hindi nakakakita ang isa niyang mata kapag gumigising siya sa umaga, bago lumiwanag. Ang pagkawala ng kanyang paningin ay tumatagal ng 15 minuto, at panaka-nakang nangyayari sa loob ng anim na buwan, ayon sa report.

Sa parehong kaso, nadiskubre ng mga doktor na ang mga problemang ito sa paningin ay nangyayari lamang tuwing tumitingin sila sa kani-kanilang cell phone sa loob ng ilang minuto habang nakahiga sa kama.

“What the patients are aware of is the differing visual experience between a light-adapted eye … and a dark-adapted eye … at low ambient light levels,” paliwanag ng mga doktor sa report na inilathala nitong Miyerkules sa New England Journal of Medicine.

“As they can see well with the dark-adapted eye, it seems to them that they have lost vision in the eye which — a moment ago — was viewing the smartphone normally.” (LiveScience.com)