KIKAY & MIKAY WITH DIREK MIKE MAGAT copy

FINALLY, nagbunga ang pagsusumikap ng magpinsang sina Kikay & Mikay, 7 and 10 years old respectively, na maging artista sila sa big screen. Sila ang bida sa indie film ni Direk Mike Magat titled Field Trip na pang-estudyante ang tema.

Puring-puri ni Direk Mike ang dalawang bagets dahil walang angal sa puyatan at sunud-sunod na shooting days nila na sa Laguna pa kinunan. Lahat ng mga eksenang ipinagawa sa kanila ni Direk Magat ay pulos take one, in pernes.

 “Gifted sila at kapag ganito ang acting na bata pa lang magaling nang umarte hindi sasakit ang ulo ng director.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Congrats Kikay Mikay :)” post ni Direk Mike sa Facebook tungkol kina Kikay at Mikay.

Balak ng dalawang bagets na sumali sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

 Magaling kumanta, sumayaw at umarte ang Kikay & Mikay sa matiyagang pagtuturo sa ng mommy dearest ni Mikay na si Dianne Jang. Naging YouTube sensation sila nang mapanood ng mga bagets ang kanilang videos. 

Favorite singer ni Mikay (Leana Concepcion ang real name) si Janella Salvador, fave dancer si Jhong Hilario at idol na actress naman ang kanilang tiyahin na si Donita Rose. Fave child actress naman niya si Jillian Ward. Sa kanilang Tita Donita raw sila humihingi ng tips kaya magaling silang umarte ng mabait, inaapi at maldita with matching sampalan blues pa ‘yan at duro sa kanilang eksena.

Dream ni Mikay na maging sikat na artista kaya pursigido siyang mahasa pa. Kinakarir niya ang kanyang workshops sa Center for Pop Music at sa New Discovery Castings Agency. Grade 3 na si Mikay at top three sa Katrina Solano Institute Learning.

Followers din sila ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Kinikilig daw sila kina Alden Richards at Maine Mendoza kaya kabilang sila sa milyun-milyong na nagtu-tweet sa tuwing episode ng AlDub.

Si Kikay (Chi Min Jang) naman, napakatalino ring bata. First honor sa kanilang eskuwelahan kaya naman proud na proud ang kanyang very supportive mommy na si Diana Jang. Favorite singer ni Kikay si Sarah Geronimo, Sexbomb ang dancers, at si Tita Donita rin ang aktres. Hilig talaga ni Kikay ang showbiz at kitang-kita naman ito sa kanya kaya ‘di mo siya mari­ringgan ng reklamo na kesyo pagod na siya.

Bakit pinasok nila ang Showbiz?

“Gusto lang po kasi naming ipakita ang talent namin, kahit bata po kami, may ibubuga rin po. Marami po kaming mga videos na sumasayaw, kumakanta at umaarte, marami po mga nag-like at comment, kaya nakakatuwa po. Mas lalo pa naming paghuhusayan para po mapasaya ang mga tao na gustong mapanood kami,” sey nila.

‘K, dream and dream big, Kikay & Mikay! (MERCY LEJARDE)