Muling itinaas ng city government General Santos ang alert level para sa mga posibleng pagbaha at iba pang mga kaugnay na kalamidad sa harap ng pabugsu-bugsong malalakas na ulan sa lugar nitong mga nakalipas na araw.

Sinabi Dr. Agripino Dacera, City Disaster Risk Reduction Management Office head, noong Huwebes na ipinakita ng kanilang huling assessment na 17 barangay sa lungsod ang madaling bahain sa tag-ulan.

Ang mga ito ay ang mga Barangay Dadiangas South, Buayan, Bula, Dadiangas West, Baluan, Ligaya, Dadiangas North, Calumpang, Lagao, Labangal, City Heights, Dadiangas East, Fatima, San Isidro, Apopong, Katangawan at Mabuhay.

Binabantayan din nila ang ilang lugar dahil sa posibleng pagguho ng lupa.

Alex Gonzaga, puwede na bang magbuntis ulit?

Ang mga ito ay ang mga Barangay Batomelong, Bawing, Conel, Olympog, San Jose, Sinawal, Tambler, Tinagacan at Upper Labay.

“These areas have no problem in terms of flooding but they are considered as high risk zones for landslides,” dagdag niya. (PNA)