Makaraang dibdibin ang pag-iwan sa kanya ng kinakasama, nagpakamatay sa pag-inom ng insecticide ang isang 49-anyos na lalaki sa Barangay Kinatihan II, Candelaria, Quezon.

Wala nang buhay nang matagpuang nakahandusay sa sahig ng bahay at bumubula ang bibig ni Antonio Amparo, 49, ng Bgy. Kinatihan II.

Napag-alaman na dalawang araw na ang nakalipas nang iwan si Amparo ng kanyang kinakasama at simula noon ay madalas na itong nagkukulong sa kuwarto at hindi nagkikikibo. (Beth Camia)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar