MILWAUKEE (AP) — Lumagda ng tatlong taong contract extention si Jason Kidd bilang coach ng Milwaukee Bucks.

Ipinahayag ni Bucks co-owner Wes Edens nitong Martes (Miyerkules sa Manila) na wala siyang nakikitang ibang coach maliban kay Kidd na tugma sa sistema ng prangkisa.

“He is the right man for the job. There is no better fit to lead our young and talented roster,” sambit ni Edens.

Mapapaso ang kontrata ni Kidd ngayong season. Tangan niya ang 74-90 marka sa unang dalawang season mula nang magsimula sa prangkisa noong 2014.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“We have a hard-working group of coaches that want to teach our young players and help them reach their full potential,” pahayag ni Kidd.

“We still have work to do but we’re committed to the goal of building a team that consistently competes for titles.”

Nakamit ng Bucks ang 33-49 record sa nakalipas na season at sa kabila ng kabiguan na makapasok sa playoff, maganda ang kinabukasan ng koponan sa mga player na sina Jabari Parker, Giannis Antetokounmpo, at Khris Middleton. Tangan nila ang 10th pick sa gaganaping NBA Rookie Drafting sa Biyernes.