MABINI, Batangas - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang barangay kagawad matapos umanong pagbabarilin sa Mabini, Batangas.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng .38 caliber revolver sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Nemesio Castillo, 56, taga-Barangay San Jose sa naturang bayan.

Ayon sa report ni PO1 Leody Panganiban, dakong 5:30 ng hapon nitong Lunes nang pagbabarilin ang biktima sa naturang barangay.

Naisugod pa ang biktima sa Mabini General Hospital, subalit hindi na naisalba ng mga doktor.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakatakas ang mga suspek, sakay sa motorsiklo, patungo sa Bgy. Majuben, Mabini.

Walong basyo ng bala ang narekober ng awtoridad sa lugar ng krimen, habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)