Tatlong lalaki na hinihinalang tulak ng shabu ang napatay ng pulisya makaraang makipagbarillan ang mga ito kasunod ng buy-bust operation sa San Mateo, Rizal, nitong Lunes ng gabi.

Dalawa sa mga napatay ang kinilala ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) na sina Ruel Avila at Joel Parungao.

Ayon sa pulisya, nagsagawa sila ng buy-bust sa bahay ni Avila sa San Mateo nang biglang makipagbarilan sa mga pulis ang mga suspek.

Apat pang kasamahan ng mga suspek ang naaresto at kinilalang sina Raymart Alagos, Jeff Bañez, Art Obillo, at Michael Tasan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasamsam ng pulisya sa crime scene ang dalawang .38 caliber revolver at mga bala, at tatlong sachet ng shabu.

(Fer Taboy)