Hunyo 21, 1970 nang makopo ng Brazil ang ikatlo nitong tagumpay sa World Cup, na unang beses para sa isang bansa.

Tinalo ng koponan ang Italy, 4-1, sa finals ng kumpetisyon, na idinaos sa Estadio Azteca sa Mexico City at pinanood ng 107,412 katao.

Gumawa ang soccer legend na si Pele, na nanguna sa pagtatagumpay, ng mahusay na 18-minutong header. Dahil umulan sa bisperas ng laban, basa ang playing field at nilimitahan ng Brazil ang freewheeling style nito. Ngunit naging mahusay ang depensa ng Brazil kahit na hindi rin naman patatalo sa galing ang Italy.

Sa second half, namayagpag ang husay ng Brazil sa sunud-sunod nitong goals. Sa ika-65 minuto, iginiya nina Pele at Gerson Olivera Nunez ang Brazil para sa 2-1 kalamangan.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Para sa ikatlo nitong kampeonato, tinanggap ng Brazil ang isang gintong Jules Rimet Trophy. Sa kasamaang palad, ninakaw ang tropeo noong 1983, at hindi na nakita pang muli.