Selma copy

INIULAT na dinala si Selma Blair sa ospital matapos siyang magwala habang nasa himpapawid ang kanyang kinalululanang eroplano nitong Lunes.

Ang Cruel Intentions star ay pabalik ng Los Angeles mula sa Cancun, Mexico, pagkatapos ipinagdiwang ang Father’s Day kasama ang dating nobyo na si Jason Bleick at ang kanilang anak na si Arthur.

“He burns my private parts. He won’t let me eat or drink,”pahayag niya habang binabanggit ang isang lalaki na hindi niya pinangalanan. “He beats me. He’s going to kill me.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naiulat na sinubukan ng dalawang nurse sa eroplano tulungan ang aktres.

Bago ang nasabing bakasyon, nakapanayam ng US Weekly si Blair at napag-usapan ang bakasyon at nagbiro pa ito na makikipagbalikan siya sa dating nobyo at gagawa ng mas maraming anak.

“I have to find the man that will do this with me. I’m going away with his dad to Mexico this weekend for Father’s Day, so maybe we’ll come back reunited,” pahayag niya sa US, at sabay bawi na nagbibiro lang siya. (US Weekly)