Elmo & Janella2 copy

NADULAS ang source namin sa GMA-7 na inaabangan daw nila ang airing ng Born For You dahil mukhang maganda. 

Sabi namin, ‘hindi mukhang maganda, promising talaga, abangan mo.’

Sabagay, bawat network naman ay mino-monitor ang mga programang umeere lalo na kung may bago at hindi pa man umeere ay lumilikha na ng ingay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kami naman ang nagtanong kung kailan ang airing ng Encantadia at sinabing sa Hulyo na, hindi pa lang binanggit sa amin kung anong timeslot dahil pinag-aaralan pa raw.

“Pero baka after 24 Oras kasi pambata or ‘yung susunod na slot,” kaswal na sabi sa amin.

Kung after 24 Oras ang Encantadia, tiyak nang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ang makakatapat na hindi bumababa sa 40% ang ratings.

Pero kung after ng Once Again nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica eere ang mga Sang’gre ay ang Dolce Amore naman nina Liza Soberano at Enrique Gil ang makakatapat nito, na umaalagwa rin sa ratings game.

At kung after ng Juan Happy Love Story naman nina Dennis Trillo at Heart Evangelista ay ang Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang makakatapat ng Encantadia.

O baka naman ang Jane The Virgin ang type tapatan ng mga Sang’gre, ano sa tingin mo, Bossing DMB?

Back to Born For You, inamin ng aming source na talagang may pressure at normal na away na ngayon sina Elmo at girlfriend nitong si Janine Gutierrez dahil nga parehong walang time sa isa’t isa ngayong pareho silang may serye.

“Pero they make it a point na may communications sila at usapan nila na hindi sila magpapadala sa tsismis, super in love kaya sila,” kuwento naman ng isa pang spy namin.

Sabay hirit pa, “Unless ma-develop si Janine kay Aljur (Abrenica) at si Elmo kay Janella (Salvador), eh, tiyak na dyiwalay (hiwalay) na agad.”

Sa parte ni Elmo ay hindi malayong mangyari dahil sa nakaraang grand presscon ay umamin na siyang naiilang siya sa mga eksena kapag nakatitig sa kanya ang ka-love team.

Sa madaling salita, nako-conscious si Elmo at may something, kasi kung wala kang nararamdaman, e, hindi ka apektado kesehodang magtitigan kayo maghapon at magdamag.

Hmmm, hindi nga kaya magkatotoo ang invisible red strings kina Elmo at Janella? (Reggee Bonoan)