GERONA, Tarlac – Isang magsasaka ang muntik nang ma-salvage ng riding-in-tandem criminals sa Barangay Don Basilio sa Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Kristoffer Zulueta ang pinagbabaril at natamaan sa kaliwang mukha na si Edward Mariano, 35, ng Bgy. Apsayan, Gerona.

Ayon sa pulisya, dakong 6:00 ng umaga nitong Sabado at nakaupo si Mariano sa harap ng Absalud Brothers Mini Cono nang biglang sumalakay ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang biktima.

Hindi matiyak ngayon ng pulisya kung may kaaway o may ilegal na trabaho si Mariano. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog