PAPASOK na sa ikalawang season ang pang-umagang programang Magandang Buhay kaya masaya ang tatlong hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal lalo na’t maganda ang feedback sa kanila at mataas din ang itinatalang ratings araw-araw.

May nabasa rin kami sa social media na talo na ng Magandang Buhay ang programa ni Marian Rivera sa GMA-7 na bilang na rin daw ang araw sa ere.

Walang idea ang tatlong host tungkol dito dahil concentrated lang sila sa programa nila at kung paano ito lalo pang mapapaganda at mapapasaya ang viewers nila.

Dating 7:30 AM umeere ang Magandang Buhay pero simula ngayon Lunes, Hunyo 20 ay 8:00 AM na ito mapapanood dahil extended na ang oras ng Umagang Kayganda na tumaas ang ratings bilang ka-back-to-back ng programa nina Karla, Melai at Jolina.

Vice Ganda, napikon sa nanay ng batang nagpa-picture sa kaniya?

Tinanong namin ang taga-Dos kung ano na ang update sa pinag-uusapang bagong show na sisimulan ni Kris Aquino sa pagbabalik niya sa susunod na buwan, “Travel show ang next show niya, ‘yun ang gusto niya kaya inaayos pa.”

E, di ba, Bossing DMB, parang travel show na rin naman dati pa ‘yung KrisTV na nakasunod saan mang lugar nagpupunta si Kris?

Ito raw ang konseptong gusto ng Queen of All Media.

Samantala, tila mas concentrated din si Karla sa Magandang Buhay dahil parati siyang nawawala bilang isa sa hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime. (Reggee Bonoan)