Ni REMY UMEREZ

DUMATING na ang malaking break na pinakahihintay ni Elmo Magalona sa bago niyang tahanan, ang Kapamilya Network. 

Magkahalong saya at kaba o pressure ang nadadama ni Elmo and that’s understandable.

Sa una niyang proyekto sa ABS-CBN, ang teleseryeng Born For You, ilulunsad ang pinakabagong tambalan nila ni Janella Salvador na maituturing na experimental. Tutugunin ng Born For You kung anong klaseng chemistry mayroon ang dalawa at kung hanggang saan ang mararating nito.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang kagandahan ng istorya at ang scenic beauty ng Land of the Rising Sun (Japan) sa pamumukadkad ng cherry blossoms ay karagdagang atraksiyon sa ikatatagumpay ng teleserye.

Inspirado si Elmo sa role niya bilang sikat na singer sa Pilipinas na pumunta sa Japan upang gumawa ng music viceo. Makikilala niya si Sam (Janella) at uusbong ang kanilang pag-ibig. Siyempre may mga kokontra para maging bitter-sweet ang panoorin na inyong aabangan gabi-gabi.

Ayon kay Elmo ay magsisilbing tribute sa kanyang pamosong ama na si Francis M. ang role niya dahil malaking bahagi sa buhay nila ang musika.

Kung nabubuhay pa si Francis M. ay tiyak na ikatutuwa at ipagmamalaki nito ang magandang kapalarang dumating sa showbiz career ng kanyang anak.