Hinamon ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr. si incoming President Rodrigo Duterte na gawin munang “drug-free zone” ang Philippine National Police (PNP) bago itaas ang minimum monthly pay ng mga tauhan nito sa P50,000.

Bagamat hindi niya tahasang kinontra ang panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa dagdag-suweldo sa mga kawani ng PNP, iginiit ni Belmonte na makabubuti kung tiyakin muna ng administrasyong Duterte na malinis ang hanay ng pulisya sa mga sangkot sa ilegal na droga.

“What I support is a mandatory annual drug and fitness exam for all policemen. Then l will consider higher pay for them, even higher than P50,000/month,” pahayag ni Belmonte sa text message.

Ito ay matapos maghayag ng suporta ang mga kongresista sa panukalang dagdagan ang sahod hindi lamang ng mga pulis, kundi maging ng mga sundalo at guro sa bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinamon din ni Belmonte, na vice chairman ng Liberal Party, ang susunod na administrasyon na obligahin ang mga pulis, kabilang ang mga heneral sa PNP, na sumailalim sa drug at fitness test taun-taon.

“Meantime we can study if a P50,000 starting salary [for cops] is feasible and if same should apply to other overburdened employees like teachers,” ayon sa House speaker. (CHARISSA M. LUCI)