Hunyo 18, 1923 nang makumpleto ang unang Checker cab (o taxi) ng Checker Cab Manufacturing Company sa Michigan. Ang nasabing kumpanya ay itinatag ni Morris Markin, na isinilang sa Smolensk, Russia.

Nang lumipat siya sa Chicago, pinangasiwaan ni Markin ang isang grupo ng mga taxi, gayundin ang isang talyer, sa Illinois. Taong 1921 nang sumosyo ang kanyang kumpanya sa Commonwealth Motor Company.

Sa pagsisimula ng 1923, nakagawa ang kumpanyang Checker ng mahigit 100 unit kada buwan, at 600 taxi nito ang bumibiyahe sa mga pangunahing kalye sa New York City.

Taong 1962 nang nagawang makapag-deliver ng kumpanya ng 8, 173 sasakyan, karamihan sa mga ito ay taxi. Ngunit sa kasagsagan ng 1970s, napilitan ang mga kumpanya ng taxi na gawing taxi ang mga pampasaherong sasakyan.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'