BAGABAG, Nueva Vizcaya – Kalaboso ang binagsakan ng isang construction worker matapos niyang muling halayin ang isang 13-anyos na dati niyang nobya sa Barangay Murong, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Nahaharap ngayon sa kasong rape sa Prosecutor’s Office si Jeremy Dela Cruz, 20, binata, ng Bgy. Murong, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa panayam kahapon kay PO1 Nikki Bulet, ng Bagabag Police, taong 2013 nang naging magkarelasyon ang dalawa. Grade 3 pa lamang noon ang biktima at nagkaroon ng kahalayan sa pagitan ng dalawa.

Ilang linggo na ang nakalipas nang muling nagkaroon ng komunikasyon ang dalawa at nitong Hunyo 14, dakong 10:00 ng gabi, ay pinapunta ni Dela Cruz ang dalagita sa kanyang bahay, at muli niyang hinalay ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na ngayon lamang nagkalakas-loob ang dalagita na ireklamo si Dela Cruz matapos maulit ang panggagahasa nito. (Liezle Basa Iñigo)