Hunyo 17, 1958 nang mamatay ang 18 lalaki habang itinatayo ang Second Narrows Bridge, na mag-uugnay sa silangan at katimugang bahagi ng Vancouver, sa Canada. Narinig ng mga saksi ang pagsigaw ng mga biktima, at nasaksihan ang agarang pagresponde. Ang tulay, na may 175 talampakan ang pinakamataas na bahagi, ay itinayo ng Dominion Bridge Company.

Dakong 3:40 ng hapon nang gumuho ang buong istruktura matapos na bumigay ang steel span ng tulay. Nagdesisyon si Foreman Lou Lessard na maglagay ng karagdagang girder.

Aabot sa 79 na trabahador, gaya ng pintor, ang nasa tulag nang mga oras na iyon.

Dahil sa human error kaya gumuho ang tulay; mahina ang naging suporta nito, at kinulang ang pagdidisenyo rito ng isang bagitong inhinyero.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Tuluyang natapos ang tulay noong 1960, at tinawag itong Ironworkers Memorial Bridge noong 1996 bilang paggunita sa nangyaring trahedya.