MISAMIS ORIENTAL – Sumiklab ang panibagong bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa bayan ng Talisayan, Misamis Oriental.

Ayon sa ulat sa radyo, nagpapatuloy ang bakbakan sa Macopa, isang bulubunduking barangay sa Talisayan, ang coastal town na may 98 kilometro ang layo mula sa hilagang silangan ng Cagayan De Oro City.

Wala pang ulat kung may namatay sa engkuwentro sa Talisayan, ngunit kinumpirma ng 58th Infantry Battalion ng Army na nakaengkuwentro ng mga nagpapatrulyang sundalo ang isang grupo ng tinatayang 10 armadong lalaki sa lugar nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Lt. Janielle Diaz, tagapagsalita ng 58IB, na nagpapatuloy ang security operation.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nangyari ang mga engkuwentro habang lumilikas ang mga residente para makaiwas sa mga bakbakan sa Bgy. Kamansi at Banglay sa bayan ng Lagonglong, Misamis Oriental at nanuluyan sa bakuran ng provincial capitol sa Cagayan De Oro City, humihingi ng tulong mula sa provincial government.

Aabot sa 60 pamilya ang lumikas mula sa Lagonglong kasunod ng ilang araw na bakbakan ng mga militar at NPA noong nakaraang linggo na ikinamatay ng dalawang pinaghihinalaang rebelde. (PNA)