ANG paghalal kay Senator Koko Pimentel bilang Senate president, kung pagbabatayan ang kanyang kuwalipikasyon, merito, at kapangyarihan, ay isang lohikal na pagbabago sa ating tradisyon at sistema sa pulitika.
Bilang tagapamuno ng PDP-Laban, maaaring ikumpara si Koko kina Amang Rodriguez, Gil Puyat, at iba pang political leader na kung saan ang panahon ng kanilang pamumuno sa political parties, ay nagsilbi nilang president ng Philippine Senate.
Bilang head ng kataas-taasang hukuman ng Philippine Congress, haharapin ni Koko ang mga pagsubok gaya ng pagpapalit n gating sistema sa gobyerno mula sa presidential patungong pederalismo, ang pag-amyenda ng Konstitusyon, at iba pang alalahanin, kabilang na ang paggawa sa mga nasirang institusyon at mga isyu laban sa political dynasty.
Gayunman, kailangan maging maingat ni Koko sa mga lumilipad na paru-paro sa pulitika sa paligid ng PDP-Laban. Sa halip na pagtibayin ang lumalagong partido na may kakaibang misyon at hangarin, baka magkaroon sila ng mga taong oportunista. Ang payo naming kay Koko, isailalim ang mga ito sa orientation kaugnay sa mga konsepto, patakaran, at mga paniniwala ng PDP-Laban.
Taong 1986-87, bilang OIC Mayor ng Kalibo, capital ng Aklan, pinamahalaan ko ang organisasyon ng PDP-Laban sa probinsiya ng Aklan kasama si Martin Diño, dating PDP-Laban presidential candidate na ipinalit ni Davao Mayor Digong Duterte, dahil ang resource person ay ipinadala sa Aklan ng PDP-Laban headquarters.
Ipinahayag na ng political at civic circles sa Aklan ang hindi nila pagsang-ayon sa plano ng San Miguel Corporation na magtayo ng dalawang kilometrong tulay na magdurugtong sa Boracay Island sa Western Visayas.
Ang Boracay, ang pangunahing tourist destination sa bansa at ikinokonsidera bilang isa sa pinakamagagandang isla sa buong mundo, ay mawawalan ng ganda kapag pinadaan dito ang kahit anong uri ng sasakyan, anila.
Ngayon pa lang, sa paggamit ng maliliit na bangka sa pagitan ng Caticlan at Boracay upang ipasyal ang mga turista, at mga local na residente, sobrang matao na sa isla.
Ang plano ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines, Inc. (FPPCPI) na magsagawa ng conversation sa Davao City bukas, Hunyo 18, ay naunsiyami.
Ayon kay Allan T. Sison, FPPCPI president, “it’s not advisable yet considering the situation in Davao now.”
Simula ngayon hanggang bukas, Hunyo 17 hanggang 18, ang Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ay nagsasagawa ng regional meeting sa Iba, Zambales. (Johnny Dayang)