Nagpapasaklolo kay Manila Mayor Joseph Estrada ang school principal ng Rosauro Almario Elementary School sa Tondo dahil sa kakulangan ng silid-aralan sa nasabing paaralan matapos na ipasara ang isang gusali dahil sa panganib na maidudulot nito sa mga estudyante.

Sa liham ni Dr. Romeo Fernandez kay Estrada, iginiit niyang kulang ang mga classroom ngayong school year 2016-2017 dahil sa mga bagong mag-aaral na papasok sa Grade 1.

Sinabi ni Estrada na sinosolusyunan na ng pamahalaang lungsod ang problema ng nasabing eskuwelahan, kasunod ng pag-uutos ng alkalde ng imbestigasyon upang matukoy ang administrative liabilities ng mga dating opisyal ng siyudad sa palpak na pagkakagawa ng Lim Building sa paaralan.

Ginastusan ng P68.8 milyon, natuklasan noong nakaraang taon ang unti-unti umanong pagguho ng school building na agad ipinasara, kaya naman sa mga tent nagkaklase ang mga mag-aaral sa Grades 1-3 sa paaralan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nakitaan ng malalaking bitak at unti-unti umanong tumatagilid ang naturang gusali, kaya naman kinasuhan ng graft si dating Manila Mayor Alfredo Lim at 13 pang dating opisyal ng pamahalaang lungsod, at ang private contractor, sa Office of the Ombudsman kaugnay ng sinasabing maanomalyang konstruksiyon ng Lim Building.

Nabatid na mag-iisang taon nang kulang ang oras ng mga klase sa Rosauro Almario Elementary School simula nang ipatupad ang tatlong shift ng klase, makaraang iutos ni Engr. Roberto Bernardo na bakantehin ang gusali. (Beth Camia)