Michu copy

SUMAKABILANG-BUHAY na si Michu Meszaros, ang gumanap bilang ALF sa nasabi ring 1980s sitcom.

Kinumpirma ng Entertainment Weekly na isinugod sa Los Angeles hospital ang aktor noong nakaraang linggo nang matagpuan itong walang malay sa kanyang banyo ng kanyang manager na si Dennis Varga.

Ang Hungarian-born performer na may taas na 2-ft., 9-in, ay nadiskubre ng Ringling Bros. at Barnum & Bailey Circus bago kinuha para gumanap sa iba’t ibang pelikula at sa ALF. Noong panahong iyon, nagsuot ng mabalbong costume si Meszaros sa tuwing kinakailangan nilang kunan ang puppet kahit na ang iconic character na ito ay binuo at binosesan ng puppeteer na si Paul Fusco.  

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Samantala, binuo ang GoFundMe page upang matulungan ang yumaong aktor sa mga bayarin niya sa ospital at punerarya.

Ayon sa nasabing page, si Meszaros at Michael Jackson ay magkaibigan at madalas maging panauhin ni Jackson sa Neverland Ranch ang una. (People.com)