PURA, Tarlac – Kasabay ng pagbabalik-eskuwela nitong Lunes ay pinuntirya ng mga kawatan ang mahahalagang gamit sa niloobang Pura Community School sa Barangay Poblacion 2, Pura, Tarlac.

Sinabi ni PO1 Milan Ponce na natangay ng mga suspek ang biometric na nagkakahalaga ng P10,000, pocket WiFi na nasa P999 ang halaga, cell phone na nagkakahalaga ng P1,000, isang Epson projector na nasa P19,000 ang halaga, at dalawang laptop computer na nagkakahalaga ng P26,000 bawat isa.

Sa kabuuan, nasa P83,499 ang kabuuang halaga ng mga gamit na natangay sa panloloob.

Dakong 6:10 ng umaga kahapon nang matuklasan ng principal na si Jaime Baldovino, 53, ng Bgy. Nilasin 2nd, Pura, ang pagnanakaw sa paaralan. (Leandro Alborote)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!