PAGBILAO, Quezon – Apatnapu’t dalawang katao, apat sa mga ito ay dayuhan, ang nasugatan makaraang tumagilid ang pampasaherong bus na sinasakyan nila habang pababa sa New Diversion Road sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Jaytee Tiongco, hepe ng Pagbilao Police, ang apat na dayuhan na sina James Alexander Herrington, 25; Zoe Alexandra Lamb, 25, kapwa tubong Derby Dezz 3On, England at residente ng Nakpil Street, Malate, Maynila; Harry Roland Muller, 60, ng Daraga, Albay; at Wei Cheng Lien, 30, may asawa, engineer, ng San Lorenzo Village, Makati City; at 38 iba pang dinala sa magkakaibang ospital sa Pagbilao at sa Lucena City.

Sinabi ni Tiongco na 24 sa mga biktima ay kritikal ang lagay.

Ayon sa report, dakong 5:00 ng hapon nang tumagilid sa kalsada ang pampasaherong DLTBCo. Bus (AAX-1694) na minamaneho ni Robert Tabago De Guzman, 42, may asawa, ng Nueva Ecija. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog