Kabilang ang Iligan City sa Isabela na magiging leg host ng 2016 Philippine National Youth Games (PNYG)-Batang Pinoy.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia matapos ang occular inspection sa mga venue ng ahensiya.

Una nang itinakda ang mga host ng Batang Pinoy subalit dahil sa nakalipas na eleksiyon ay muling binuhay ng ahensiya ang ugnayan sa mga local government unit (LGU).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang dalawa pang ibang leg ay ang Visayas at ang Mindanao leg.

Matatandaang inihayag ni PSC Commissioner-In-Charge at Batang Pinoy Project Director Atty. Jose Luis Gomez ang pagho-host sa Ormoc City sa Visayas Leg kung saan nagwagi bilang bagong alkalde ang dating national athlete na si Richard Gomez at ang asawa nitong si Lucy bilang congresswoman.

Isasagawa naman sa Surigao City ang ikalawang leg na para sa Mindanao habang hinihintay pa ang kumpirmasyon alinman sa Tuguegarao, Cagayan o sa Batangas para sa pagsasagawa ng ikatlo at huling qualifying stage na Luzon Leg.

Gaganapin naman sa kauna-unahang pagkakataon ang National Finals ng Batang Pinoy sa Metro Manila. (Angie Oredo)