Kasabay ng pagbubukas ng klase, inilatag ng iba’t ibang grupo, sa pamumuno ng Philippine Business for Education, ang pitong reform agenda sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa press conference, inilista ng Education Nation ang pagtataguyod sa nabuong development plan, pagkakaroon ng good governance, pagkakaisa ng lahat ng sektor para ipatupad ang mga polisiya, pagtataas ng investment, pagpapalakas sa alternative learning, pag-aangkop sa mabilis na pagbabago na likha ng modernong mundo, at pagsusulong sa mga proyekto sa imprastruktura at programa gaya ng teachers training,

gayundin ang involvement ng iba’t ibang sektor sa pagbalangkas sa mga patakaran at panuntunan.

Sa taya ng Department of Education (DepEd), naging maayos at mapayapa ang pagbubukas ng klase kahapon sa kabila ng ilang problema.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Ayon kay Assistant Secretary Jesus Mateo, bunga ito ng nagkakaisang pagkilos ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor na sinimulan noong Brigada Eskwela. (Mac Cabreros)