TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Dead on arrival sa ospital ang isang miyembro ng rescue team sa siyudad na ito makaraang magbaril sa sentido.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Mark Flores y Vidal, 33, may asawa, ng Purok Katilingban, Barangay San Pablo, ng lungsod na ito.

Nakuha pa ng imbestigador sa tabi ng labi ni Flores ang .22 caliber pistol na nakita sa loob ng banyo.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa maybahay ni Flores, matagal na niyang napapansin ang kakaibang ikinikilos ng asawa na mistulang depressed. (Leo P. Diaz)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?