Isang lalaki ang namatay habang siyam na iba pa ang nasugatan matapos na bumaligtad ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) sa Tarlac Pangasinan La Union Expressway (TPLEX) sa Rosales, Pangasinan, kahapon ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Rosales Municipal Police, pumutok ang gulong sa likuran kaya nagpagewang-gewang ang SUV sa TPLEX sa bahagi ng Rosales.

Agad na nasawi si Paolo Abad habang sugatan naman ang siyam niyang kasamahan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Bicutan, Taguig City ang mga biktima na dadalo sana sa kanilang family reunion sa Candon, Ilocos Sur.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ng driver, na kinilalang si Salvador Aquino, na pumutok ang gulong sa likurang bahagi ng sasakyan kaya nawalan siya ng kontrol dito hanggang tuluyang bumaligtad.

Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot nang buhay si Abad.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple injuries si Aquino. (Fer Taboy)