CONCEPCION, Tarlac - Hindi nakalusot ang tatlong matitinik na drug pusher sa kanilang ilegal na operasyon at naaresto sila sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa resettlement ng Barangay Pitabunan sa Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Aries Turla ang mga naaresto na sina Joan Aras, 45; Justine David, ng Bgy. Pitabunan; at Dominic Cano, 20, Bgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Nakumpiska kay Aras ang isang transparent plastic sachet na may hindi pa tiyak na gramo ng shabu kapalit ng P1,000 marked money, na nagsilbing poseur buyer si PO2 Rofel Garcia.

Nang isailalim sa masusing imbestigasyon ay nakakumpiska pa ang awtoridad ng 19 na transparent plastic sachet na naglalaman ng malaking gramo ng hinihinalang shabu, dalawang sachet na may hindi pa tukoy na gramo ng dried marijuana leaves, at P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naaktuhan naman sa pot session sina David at Cano, na nasamsaman ng drug paraphernalia. (Leandro Alborote)