TEHUACAN, Mexico (AP) — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 11 miymebro ng pamilya sa Mexico, at ang rapist na ipinahiya ng isa sa mga biktima ang hinihinalang responsable sa pangyayari.

Pinuntirya sa nangyaring pag-atake nitong Huwebes ng gabi ang mag-asawa, kanilang mga anak at mga kamag-anak sa kanilang tahanan sa San Jose el Mirador sa Puebla state municipality ng Coxcatlan.

Ayon kay Coxcatlan Mayor Vicente Lopez de la Vega, kabilang sa mga napatay ang limang babae, apat na lalaki at dalawang batang babae.

Nagtamo naman ng sugat ang dalawa pang bata at kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Tehuacan, ang pinakamalapit na siyudad.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline