[caption id="attachment_175044" align="aligncenter" width="410"]90522535

PAGKATAPOS ng final European tour date sa Bucharest, Romania kasama ang kanyang bandang Hollywood Vampires, sinimulan ni Johnny Depp ang kanyang tour break sa pagtungo sa pribadong isla niya sa Bahamas, sabi ng source sa People.

Ayon sa source, plano ni Depp na manatili ng ilang araw. 

Matatandaang doon sa isla sa Bahamas sila nagpakasal ng kanyang asawang si Amber Heard noong 2015. Binili niya ang 45 ektaryang pribadong lupain, na binubuo ng anim na beach, sa halagang $3.6 million noong 2004. Inilarawan niya ang tropical getaway bilang “pure and beautiful.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama ni Depp sa paglalakbay ang Hollywood Vampires — ang kanyang banda kasama sina Alice Cooper at Aerosmith guitarist na si Joe Perry — simula nang maghain ng diborsiyo si Heard. Sila ay rumaket sa Verona, Lisbon, Herborn, Stockholm, Horsens at Bucharest at itutuloy ang U.S. leg ng kanilang tour sa Bethlehem, Pennsylvania sa Hulyo 1.

Nagpatuloy ang kanilang tour simula nang maghain ng diborsiyo si Heard at maglabas ng temporary restraining order laban sa kanya sa huling bahagi ng Mayo matapos umano niyang abusuhin si Heard sa kabuuan ng kanilang relasyon.

Bilang sagot, ang abogado ni Depp na si Laura Wasser ay nagpahayag na si Heard “is attempting to secure a premature financial resolution by alleging abuse.”

At habang nagpapatuloy ang kanilang divorce drama, si Depp ay nagtungo sa Europe at namasyal sa iba’t ibang lugar gaya ng Dracula’s castle kasama ang kanyang mga kabanda.

“The concerts and the tour are good for him,” pahayag ng source sa People. “He doesn’t want to let his fans down. It’s the best distraction.” (People.com)