Jennylyn copy

NATUTUWA kami kay Jennylyn Mercado dahil marunong siyang mag-share ng kanyang blessings.

Simula pa noong 2014 ay sunud-sunod na ang box-office hit ng mga pelikula niya, nauna ang English Only Please kasama si Derek Ramsay at nanalo si Jennylyn bilang Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival. Box office hit din ang follow-up na #Walang Forever noong 2015 with Jericho Rosales at nanalo ulit siya ng award.

Nagtambal din sina Jennylyn at Sam Milby sa The PreNup na lumampas din sa P120M ang kinita at almost P200M naman ang kinita ng Just The Three of Us na pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa lahat ng biyaya at papuring natatanggap, marunong mag-share ng blessings si Jennylyn at nalaman namin ito noong Huwebes ng gabi nang makatsikahan namin ang manager niyang si Becky Aguila habang nasa Shangri-La Mall at may kausap daw sila ng anak niyang si Katrina Aguila.

Kinukumusta kasi namin ang manager ng aktres na may anim na taon na yatang hindi nagpapakita sa entertainment press at nabanggit nga niya na ‘malapit na.’

Humingi rin kami ng update kay Jennylyn na laman ng mga balitang nag-expire na ang kontrata sa GMA-7, pero ang sagot lang ni Tita Becky sa amin, “Balitaan na lang kita, Reggs, wala pa, still negotiating.”

Hay naku, si Tita Becky, maski na yata anong kulit namin hindi talaga mapipiga. Siguro kaya umiiwas makipag-usap sa press para hindi siya pinagtatatanong.

At nagpaalam na si Tita Becky dahil may kausap daw sila ni Katrina.

Pagkalipas ng ilang oras ay nag-post na si Katrina ng dalawang relong mamahalin (Tudor at Rolex) na suot nilang mag-ina na may caption na, “Thank you so much @mercadojenny for our mother-daughter timepieces. We love it so much!!! Sobrangnakakagulat talaga. ‘Ika nga ni ‘ma “JEN!!!!! ” Thank you for being such a kind, generous, and loving person. We are so lucky to have you. We love you so much! Thank u!!! Mwah mwah mwah!”

Aba’y oo naman, Bossing DMB, maski sino naman ay magugulat sa appreciation gift ni Jen sa dalawang taong malaki ang naitutulong sa career niya simula nu’ng pumasok siya sa showbiz.

Bukod sa mamahaling mga relo, parating may regalo ang aktres kina Tita Becky at Katrina.

Noon pa man, ang laging paalala ng manager kay Jennylyn ay mag-invest sa negosyo kapag nagkapera para pagdating ng tag-ulan ay may iba siyang source of income na sinunod naman ng aktres.

Bukod dito ay sunud-sunod din ang mga dumarating na endorsement kay Jennylyn at kapipirma lang niya sa Tough Mama Kitchen and Home Appliances.

Sana nga hindi magbago si Jennylyn at hindi niya iwan sa ere ang manager niya. (Reggee Bonoan)