QUEZON, Isabela - Patay ang isang ginang makaraan siyang pagbabarilin sa pamilihang bayan dito, dakong 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Loreto Infante, hepe ng Quezon Police, ang biktimang si Eufemia Wayacan Malalad, 53, ng Sitio Talaca, Barangay Lepanto, Quezon, Isabela.

Tadtad ng bala sa katawan ang biktima matapos itong pagbabarilin hindi pa batid na kalibre ng baril ng hindi pa nakilalang salarin.

Batay sa huling report kahapon, nasa anim na basyong bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Infante, inaalam pa ang motibo sa pagpatay sa ginang. (Liezle Basa Iñigo)