Sinabi ng Department of Health (DoH) na hindi pa gigibain ang mga gusali ng Dr. Jose Fabella Hospital sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, nagtataka sila kung saan nakuha ng grupong Save Fabella Movement ang impormasyon na isasarado at gigibain na kahapon ang tinaguriang “Paanakang Bayan”.

Gayunman, siniguro ni Lee Suy na sakaling matuloy nga ang paggiba sa nasabing ospital ay hindi mahihinto ang serbisyo nito sa mahihirap dahil dadalhin ang mga pasyente sa iba pang ospital ng gobyerno tulad ng Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, East Avenue Medical Center at Jose Reyes Memorial Medical Center. Hindi rin mawawalan ng trabaho ang mga health worker ng Fabella Hospital dahil pansamantala silang ilalagay sa iba’t ibang ospital ng gobyerno. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer